A girl trying to live like a song named Rhenze.
~
<a href="http://www.youtube.com/watch?v=f7xkvk0Bb-Q?hl=en&version=1&autoplay=1&theme=light"><img src="http://www.gtaero.net/ytmusic/play.png" alt="Play" style="border:0px;" /></a>

:(

Kanina. Tapos na yung math namin. Chem nalang. Edi bababa na kami ng room non. Kasi nga sa lab kami. Pero syempre bago ako bababa, naging routine ko nang pumunta kay Angel. Dahil nga hindi kami magkaklase, syempre gumagawa parin ako ng effort para naman makapag-usap kami kahit manlang isang beses sa isang araw. Syempre nami-miss ko din naman yung best friend ko. 

So nakarating na ko sa room nila. Nakita ko si Nico. Yung cheatmate ni Angel este seatmate. Lagi nyang kasama pagdating sa mga trip. Sabi ko “Nico, Angel?” Sabi nya “Andun sa loob, dalawa nalang sila dun.” Syempre, napaisip din ako kung sinong dalawa yun. Naalala ko. Sino pa nga ba?! Edi yung girlfriend nya. Nagdadalawang isip ako kung pupuntahan ko pa ba o hindi. Lagi namang umeepal yung babaeng yun e. Hindi ako takot. O may kung ano pa mang humahadlang para pumunta ako dun. Kinaiinisan ko lang talaga at umiinit ulo ko twing nakikita ko yung babaeng yun. Edi, pumunta na nga ko. Nakita ko sila nandun sa may dulo. Magkatabi. Edi tinawag ko. Singit moment naman ako sa kanila. Sabi ko “Gel. Tara.” Medyo papalabas na sya ng pinto, hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote non at umupo pa sa upuan, imbis na lumabas. Eh, nakaupo yung girlfriend nya dun. Tinabihan pa. Tinawag ko ulit. 

Gel, tara.

Bakit?!

Puta, sabi ko tara e!!!!!

Bakit nga e!

Ewan ko sayo!

Tara dito!!

Putek. Naiinis na ko Rotor!

Halika nga dito e!

Shit. Wag kang dadaan ng de jesus hayop ka.

HAHAHAHAHAHAHA.

Tawa ka pa e. Pag ikaw tinatawag mo ko sa room hindi ako nagtatagal Gel. Isang tawag mo lang tumatayo kagad ako. Putangina. *walkout*

Alam ko hindi tama yung pagmu-mura ko. Pero hindi ko napigilan yung sarili ko. Alam nya na ngang hindi kami maayos ng girlfriend nya ako pa dapat ang pupunta don?! Ganyan talaga kami magusap. Pabiro man o pagalit. Pero galit na galit na ko nyan. Ikaw ba naman? Mapahiya ka mapaos paos ka kakatawag, ikaw na nga yung pinuntahan e. Patulo na yung luha ko e. Pinipigilan ko lang kasi kasama ko yung Classmate ko.

  1. dalagita posted this