PT.

Ayun, first day ng exam ngayon. Medyo na-late ako ng konting konti lang naman. Mautak yung teacher ko. Pinabilog nya yung upuan sa room. Tapos sya sa gitna. Para walang kopyahan. Akala nya naman effective. Marami parin sa mga kaklase ko ang nakaka-kopya at nangongopya. Unang subject na sinagutan ko eh, English. What is easy? Napakadali talaga. Kasi ni-review namin yun e. Nainis lang kami dun sa isang part. Di nabanggit ni Ma’am. Medyo nanghula lang sila. Tapos pagkatapos nun, Chemistry naman. Isa rin ‘to. Yung 1,2,3 ang hihirap e. Pero madali nalang yung iba. Hindi na nga ko nagba-basa ng tanong e. Choices nalang. Nadadalian lang kasi ako.

Tapos break na. Then, nag-take na ko ng Social Studies. Wala kong ma-intindihan sa unang page! Grabe. Ako kasi yung nagpa-review sa klase nun e. Pero madali nalang din yung mga sumunod. Tapos nun, Values naman. Ito. Greka. Nanghula lang ako dito. Feeling major e. Kainis. Hinulaan ko na nga lang. Atat na ko umuwi e. Ayun. Natuwa naman ako sa sarili ko. Hindi ako nangopya. Nangongopya sila sakin pero ako hindi ako kumokopya. Achievement ‘to sakin.

Ikaw, nangopya ka ba?

(Source: dalagita)


tagged as: dayari. kopyador!.